Thursday, March 24, 2011

Talambuhay ni Jerwin Gesmundo

ako si jerwin 
Ako si Jerwin R. Gesmundo pinanganak noong may 23 1993 nakatira ako sa brgy. San Buenaventura S.P.C
noong bata pa ako sabi ng nanay ko masyado daw akong makulet at pasaway lagi ko silang sinasagot pagpinapagalitan nila ako mahilig ako maglaro ng basketball uuwi lang ako pagkakain na tapos paginuutusan ako hindi ko sila sinusunod ayoko sa lahat na pinapagalitan ako dahil naiinis ako. Lumaki ako na mainitin ang ulo siguro nagmana ako sa ama ko.
            
           At sa mga nagdaang taon habang tumatanda ako lalo akong nagiging pasaway katulad nalang ng nagsimula akong tumumgtong sa high school lalo akong naging tarantado napasama ako sa mga barkada sa school at sa amin dun ako natutung manigarilyo na patago saking magulang hanggang sa ako ay nahuli ng aking ama at ako ay pinagalitan hanggang sa hindi na nila ako napigilan lalo ng lumala ang aking bisyo nung natuto pa kong maginom at napasali sa isang kapatiran na SRB o Scout Royal Brotherhood noong august 2 2005. Nalaman nang aking magulang na sumali ako sa isang kapatiran pero hindi na  nila ako napigilan dahil na doon na kasali na ko pero na intindihan din nila na ang kapatiran ay hindi masama at puro away lamang ang kapatiran na ito ay may pagtutulungan sa kapwa at tumutulong sa mga kapus palad at kung magkakaanak man ako hindi ko siya pasasalihin dahil ayoko na siya ay magkaron ng tungkulin. Salamat sa samahang ito dahil dito ako natutu na mag karon ng prinsipyo at maraming kaibigan.

      

                 Doon ako simulang  hindi pumasok saaking mga klase at pinatawag ang aking magulang galit na galit ang aking pamilya sa nangyari sa akin hindi nila akalain na ako ay magkakaganito simula noon kinausap ako ng aking pamilya napaisip ako nah huminto sa pag-aaral lalo nawalan ng gana ang aking pamilya sa akin hanggang sa isang taon akong hinto sa pag-aaral pero napaisip ako bumalik sa pag-aaral at doon ko pinangako sa aking sarili na magtitino na ako sa aking pag-aaral upang maipahiwatig sa aking magulang na ako ay bumabawi sa aking mga kasalanang nagawa at pinayagan nila uli ako mag-aral.
Ito ang babaeng aking inspirasyon

        Pumasok ako sa mababang paaralan na Col. Lauro D. Dizon Mem. National High School at doon ko naalala ang mabubti kong kaibigan at doon ko din nakilala ang aking inspirasyon ko sa buhay na si Aleyza Ahra Lactanin sumipag lalo ako sa pagaaral dahil sa kanya at nandito ngayon sa  pagkakataon nah ako ay makakagraduate.Maraming salamat sa kanya dahil sya ang nagpapatino sa akin takot na takot ako sakanya lalo na pag sobrang galit nasya pero kahit ganun paman hindi ako na suko sakanya dahil mahal na mahal ko sya kung tutuusin lamang kung nasa tamang edad na kami at may magandang buhay pakakasalan ko nasya at hinding hindi ko na sya pakakawalan. Kahit lagi kami puro away bate tumagal parin ang aming relasyon na inabot ng pitong buwan nalulungkot ako ngayong mag kakahiwalay na kami dahil parehas kami gagraduate  pero kahit ganunpaman intindi kona dahil paradin naman sa kina bukasan naming dalawa ang paghihiwalay namin .





JS prom 2011
ito ang astig nayng picture
       Ang aming JS prom 2011 napakasaya ko nung gabing yon dahil sa aking mga classmate sobrang salaw namin non nung naghapihapi kame sa gitna ng stage at nung nasa stage kame sumayaw kami nang sumayaw hangang sa mapagod hoo ang saya talaga lalo na nung nakasayaw ko ang aking Girlfriend at doon   nagpunta kame ni sherwin sa mga babae at sila ay aming kinuhanan ng mga waki pictures  at kami ay tawang tawa gawa ni Cristal Labaruez dahil sobrang astig ang picture nya pinakita namin sa mga classmate pa naming lalake at tawang tawa din sila.astig diba nang pic nya nung JS prom

        



          

      Dumako naman tayo sa aking mga idolo sa buhay ang aking mga tiyuhin at mga pinsa n may magandang trabaho gusto ko sila tularin dahil gusto ko din guman da ang akin buhay.

       Nung tigil ako sa pag aaral  ang ginawa ko nalamang ay nag hanap ako ng trabho kahit hindi ako tapos ng pag aaral at nakahanap ako ng trabo tumgal ako sa trabaho dahil masipag ako pero kahit ganun paman mahirap prin talaga mag trabaho laluna pag hindi ka tapos ng pag-aaral kaya sinikap ko namakatapos ng pag-aaral mraming salamat sa aking magulang dahil kahit ako ay bumarkada nag karon ng bisyo at kung ano-ano ang aking katarantaduhan na ginawa tinulungan prin nila ako sa aking pag-aaral kya ngaung ako ay makaka graduate ipina pangako ko sa aking magulang na bibigyan ko sila ng magandang buhay at kung hindi man ako makaka pasok ng colehiyo at list ako ay may tinapos at madalidali na makahanap ng trabaho.



        Noong ako ay nag sipag pumasok at mag-aral  nabigla ang aking magulang dahil ako ay talagang pursigido na makatapos gusto nilang itanong sa akin kung bakit bigla ako nag sipag at nag pakatino pero hindi nilayun itinanong  pero kung itinanung man nila sasabihin kulang sa kanila na nag sisisi ako sa aking mga nagawa mahal na mahal ko ang aking pamilya at kahit anung hirap man ang dumating sa amin pamilya hinding hindi ako susuko maiahon ko lamang sila sa kahirapan.


                        Ngayong graduation  masaya ako dahil sa wakas ay makakagraduate na din ako napatunayan ko din sa magulang ko na natupad ko ang gusto nilang mangyari sa akin at sa aking hinaharap masayang masaya ang aking pamilya ng nalaman nila na ako ay makakagraduate. Sobrang saya naming mga magkakaklase ngayon dahil makakaalis na kame sa dizon high at mapupunta naman kami sa colleges life sigurado naman na iyakan sa sobrang saya kaso nga lang meron isa sa aming barkada na hindi makakagraduate.

      


               Ito lang po ang aking maganda at masayang buhay mula pagkabata hanggang sa ako ay nagbinata
                                                                            


                                                                 salamat po :-)
                                        
anchaka noh!!

No comments:

Post a Comment