Thursday, March 24, 2011

talambuhay ni Ahra Lactanin

ako si  Ahra Lactanin


                Noong bata ako tahimikin daw ako at iyakin sa bi ng aking mama at papa noong bata ako lagi ako ang pina paburan ng aking magulang isang hingi ko lang sa kanila bigay agad at nung pina nganak ang aking kapatid na si jerome doon na nag simula na hindi na nila ako masyado na papansin kaya binuhos ko na lang ang aking atensyon sa pag lalaro.






                 Lagi akong nasa pinsa ko at doon ako nakikipag laro kahit halos puro lalaki ang mga pinsan ko at nung nag umpisa na ako mag aral doon na ako sumali sa footboll yun kasi ang hilig kong laro na sasabihan nga ako ng aking mga pinsan na tomboy kahit hindi.


        Noong ako ay anim na taon ako ay pumasok sa grade 1 at doon ako natuto ng pag babasa at pag susulat.At nag karoon ako ng maraming kaibigan at nakapasa ako sa grade 1 at tumuntong ako sa Grade 2.
At hanggang sa naging grade 3 na ako ay nalaman ko na lalo pang humihirap ang mga leksyon na itinuturo, kaya lalo akong nagsumikap na mag-aral. At nagkaroon ng kaibigan at nalaman ko mayroon din kaming pagkakaiba sa ugali at kilos.At lagi kaming nabibigyan ng maraming aralin dahil sa pagkukulitan sa loob ng klase.Di ba maraming paniniwala sa bagong taon. Katulad ng pagpapaputok at pag susuot ng kulay pula. Dahil ayon daw sa alamat may isang halimaw daw ang dumarating upang kumain ng mga bata na diskubre ng isang monghe na ang halimaw ay takot sa pula at sa mga maingay na bagay kaya tuwing bagong taon at dumarating ang halimaw nagpapaputok at nag susuot ng pula upang takutin ang halimaw at may iba pang paniniwala katulad ng labing dalawang prutas simbolo ng labing dalawang buwan at pag susuot ng may bilog-bilog sa mga disenyo at pag lalagay  ng malagit na kakanin. Sa tuwing nagpapaputok sa amin talagang nakakabingi marami din mga ilaw at ang mga handa ay napaka sasarap. Nung bata pa ako lagi akong pinapatalon ni mama para tumangkad ako na hanggang ngayon ay ginagawa ko sa tuwing tapos na ang bagong taon. Lalabas ako sa amin para makisaya sa aming kapitbahay.




sila ang aking mga kaibigan
                 Nung naging high school ako 1st year palang ako ay pasaway na ako dahil ang mga kabarkada ko ay mga 4th yr student kaya kahit bata pa ako natutunan ko nang maging pasaway pero hindi ko pinapapabayaan ang pag-aaral ko minsan napasama ako sa isang inuman at nahuli kami ng guidance pinatawag ang aking magulang galit na galit na pumunta ang aking ina sa aking school at doon nya nalaman ang aking mga katarantaduhan nagsisisi ako ng mga araw na iypn dahil sumama ako sa aking barkada pero pagkatapos ng gulong yon napaisip ako na aayusin ko na ang aking pag-aaral hanggang sa nagkaroon ako ng tunay na kaibigan sila ay sina onang, fule,weiland .
Naging masaya lahat kaming magkakaklase dahil ang JS namin masaya at puro tawanan hindi naman nauwi ang JS namin sa sayawan eh sa gaslawan nauwi ang aming JS dahil sa kakulitan namin at kasalawan may nambubuhos ng tubig may nanalapid at nakanta. Masaya lahat pwero allang sa isang tao iyon ay aming Adviser na si Mrs. De Ocampo dahil inatake daw sya ng kanyang hapo gawa ng 4-G sa mga pinaggagawang katarantaduhan ng lahat.






sya si andrea at ako


            Noong si Jerome palang ang aking kapatin nagagawa ko pa ang gumala at pumunta sa barkada pero pinanganak ang aking pangatlong kapatin na si andrei di ko na masyado nagagawa ang aking mga gustong gawin dahil lagi nalang akong inuutusan ng aking mama lagi ko pang inaalagaan ang aking kapatid doon ako nagiisip na lagi nalang ako ang napapagalitan kahit kapatid ko ang may kasalanan pero kahit gnon pa man isiisip ko parin ang aking magulang at mga kapatid hindo akalain na buntis ulit ang aki mama lalo akong napaisip na ako nanaman ang may responsibilidad sa magiging bagong kapatid sinilang na sya at ang pangalan nya ay andrea.




           mahal na mahal ko ang aking bunsong kapatid kahit medyo makulit lagi ko syang inaalagaan pag kagaling ko sa school.




               Ngayong 4-G ako sobrang saya ko dahil may mabuti akong kaibigan at mapagkakatiwalaan sobrang saya ko dahilmakakagraduate ako napatunayan ko din sa aking magulang na natapos koang aking pag-aaral pag ako aymakakatapos pa ng colleges doon komismo mapaptunay sa aking magulang ko na kaya ko ng tumindig sa mga sarili kong paa at hindi na kailingan ang kailangan ang kanilang tulong nila at hindi na maisusumbat sakin na ako ay palamunin lang sa bahay masaya ang taon na ito para aming mga magkakaibigan dahil aalis na kame sa dizon siguradong inuman na to pero hindi ako samama dahil may obligasyo sa aking pamilya na kailangan kong tugunan pero hindi lahat masaya may halong lungkot dahil maghihiwalay na kami ng ladas ng aming mga kaibigan.






   At sa mga nagdaang taon habang tumatanda ako lalo akong nagiging pasaway katulad nalang ng nagsimula akong tumumgtong sa high school lalo akong naging tarantado napasama ako sa mga barkada sa school at sa amin dun ako natutung manigarilyo na patago saking magulang hanggang sa ako ay nahuli ng aking ama at ako ay pinagalitan hanggang sa hindi na nila ako napigilan lalo ng lumala ang aking bisyo nung natuto pa kong maginom at napasali sa isang kapatiran na SRB o Scout Royal Brotherhood noong august 7 2008. Hindi pala masaya ang sumali sa kapatiran may dapat sundin at dapat matataas ang grade na makuha ng isang member ng kapatiran nung una nagsisisi ako dahil sumali ako sa kapatiran ng SRB pero sa huli natanggap ko ang aking kamalian dahil kagustuhan ko din naman kasi na sumali sa kapatiran.










Sa Ngayon, isa lang ang pinag tutuusan ko ng pansin, ang maka pag tapos ng pag aaral sa high school. Kahit sobrang dami ng project ginagawa ko para lang maka pasa. Na aawa din naman ako sa magulang at nag papa aral sakin. Sa Oras n maka pag tapos ako ng pag aaral susuklian ko sila ng ligaya. Mag hahanap ako ng mabuting trabaho para sa kanila. Hindi ko sila bibiguin sa mga pangarap nila sakin.








                                             talambuhay ko mula bata hanggang sa naging dalaga
        
                                                                     salamat po




ang wakas ng aking masayang talambuhay










        

Talambuhay ni Jerwin Gesmundo

ako si jerwin 
Ako si Jerwin R. Gesmundo pinanganak noong may 23 1993 nakatira ako sa brgy. San Buenaventura S.P.C
noong bata pa ako sabi ng nanay ko masyado daw akong makulet at pasaway lagi ko silang sinasagot pagpinapagalitan nila ako mahilig ako maglaro ng basketball uuwi lang ako pagkakain na tapos paginuutusan ako hindi ko sila sinusunod ayoko sa lahat na pinapagalitan ako dahil naiinis ako. Lumaki ako na mainitin ang ulo siguro nagmana ako sa ama ko.
            
           At sa mga nagdaang taon habang tumatanda ako lalo akong nagiging pasaway katulad nalang ng nagsimula akong tumumgtong sa high school lalo akong naging tarantado napasama ako sa mga barkada sa school at sa amin dun ako natutung manigarilyo na patago saking magulang hanggang sa ako ay nahuli ng aking ama at ako ay pinagalitan hanggang sa hindi na nila ako napigilan lalo ng lumala ang aking bisyo nung natuto pa kong maginom at napasali sa isang kapatiran na SRB o Scout Royal Brotherhood noong august 2 2005. Nalaman nang aking magulang na sumali ako sa isang kapatiran pero hindi na  nila ako napigilan dahil na doon na kasali na ko pero na intindihan din nila na ang kapatiran ay hindi masama at puro away lamang ang kapatiran na ito ay may pagtutulungan sa kapwa at tumutulong sa mga kapus palad at kung magkakaanak man ako hindi ko siya pasasalihin dahil ayoko na siya ay magkaron ng tungkulin. Salamat sa samahang ito dahil dito ako natutu na mag karon ng prinsipyo at maraming kaibigan.

      

                 Doon ako simulang  hindi pumasok saaking mga klase at pinatawag ang aking magulang galit na galit ang aking pamilya sa nangyari sa akin hindi nila akalain na ako ay magkakaganito simula noon kinausap ako ng aking pamilya napaisip ako nah huminto sa pag-aaral lalo nawalan ng gana ang aking pamilya sa akin hanggang sa isang taon akong hinto sa pag-aaral pero napaisip ako bumalik sa pag-aaral at doon ko pinangako sa aking sarili na magtitino na ako sa aking pag-aaral upang maipahiwatig sa aking magulang na ako ay bumabawi sa aking mga kasalanang nagawa at pinayagan nila uli ako mag-aral.
Ito ang babaeng aking inspirasyon

        Pumasok ako sa mababang paaralan na Col. Lauro D. Dizon Mem. National High School at doon ko naalala ang mabubti kong kaibigan at doon ko din nakilala ang aking inspirasyon ko sa buhay na si Aleyza Ahra Lactanin sumipag lalo ako sa pagaaral dahil sa kanya at nandito ngayon sa  pagkakataon nah ako ay makakagraduate.Maraming salamat sa kanya dahil sya ang nagpapatino sa akin takot na takot ako sakanya lalo na pag sobrang galit nasya pero kahit ganun paman hindi ako na suko sakanya dahil mahal na mahal ko sya kung tutuusin lamang kung nasa tamang edad na kami at may magandang buhay pakakasalan ko nasya at hinding hindi ko na sya pakakawalan. Kahit lagi kami puro away bate tumagal parin ang aming relasyon na inabot ng pitong buwan nalulungkot ako ngayong mag kakahiwalay na kami dahil parehas kami gagraduate  pero kahit ganunpaman intindi kona dahil paradin naman sa kina bukasan naming dalawa ang paghihiwalay namin .





JS prom 2011
ito ang astig nayng picture
       Ang aming JS prom 2011 napakasaya ko nung gabing yon dahil sa aking mga classmate sobrang salaw namin non nung naghapihapi kame sa gitna ng stage at nung nasa stage kame sumayaw kami nang sumayaw hangang sa mapagod hoo ang saya talaga lalo na nung nakasayaw ko ang aking Girlfriend at doon   nagpunta kame ni sherwin sa mga babae at sila ay aming kinuhanan ng mga waki pictures  at kami ay tawang tawa gawa ni Cristal Labaruez dahil sobrang astig ang picture nya pinakita namin sa mga classmate pa naming lalake at tawang tawa din sila.astig diba nang pic nya nung JS prom

        



          

      Dumako naman tayo sa aking mga idolo sa buhay ang aking mga tiyuhin at mga pinsa n may magandang trabaho gusto ko sila tularin dahil gusto ko din guman da ang akin buhay.

       Nung tigil ako sa pag aaral  ang ginawa ko nalamang ay nag hanap ako ng trabho kahit hindi ako tapos ng pag aaral at nakahanap ako ng trabo tumgal ako sa trabaho dahil masipag ako pero kahit ganun paman mahirap prin talaga mag trabaho laluna pag hindi ka tapos ng pag-aaral kaya sinikap ko namakatapos ng pag-aaral mraming salamat sa aking magulang dahil kahit ako ay bumarkada nag karon ng bisyo at kung ano-ano ang aking katarantaduhan na ginawa tinulungan prin nila ako sa aking pag-aaral kya ngaung ako ay makaka graduate ipina pangako ko sa aking magulang na bibigyan ko sila ng magandang buhay at kung hindi man ako makaka pasok ng colehiyo at list ako ay may tinapos at madalidali na makahanap ng trabaho.



        Noong ako ay nag sipag pumasok at mag-aral  nabigla ang aking magulang dahil ako ay talagang pursigido na makatapos gusto nilang itanong sa akin kung bakit bigla ako nag sipag at nag pakatino pero hindi nilayun itinanong  pero kung itinanung man nila sasabihin kulang sa kanila na nag sisisi ako sa aking mga nagawa mahal na mahal ko ang aking pamilya at kahit anung hirap man ang dumating sa amin pamilya hinding hindi ako susuko maiahon ko lamang sila sa kahirapan.


                        Ngayong graduation  masaya ako dahil sa wakas ay makakagraduate na din ako napatunayan ko din sa magulang ko na natupad ko ang gusto nilang mangyari sa akin at sa aking hinaharap masayang masaya ang aking pamilya ng nalaman nila na ako ay makakagraduate. Sobrang saya naming mga magkakaklase ngayon dahil makakaalis na kame sa dizon high at mapupunta naman kami sa colleges life sigurado naman na iyakan sa sobrang saya kaso nga lang meron isa sa aming barkada na hindi makakagraduate.

      


               Ito lang po ang aking maganda at masayang buhay mula pagkabata hanggang sa ako ay nagbinata
                                                                            


                                                                 salamat po :-)
                                        
anchaka noh!!

Friday, February 25, 2011

Ang Talambuhay ni Victor Paulo I. Tangkeko


(Yan ako)
Ako si Victor Paulo Inmacino Tangkeko, Pinanganak ako noong March 6, 1995, sa Malaking ospital ng Lungsod ng San Pablo. Ang mga magulang ko ay sina Jessie A. Tangkeko at Solita I. Tangkeko. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa kapitolyo ng San Pablo at ang aking ina ay nagtatrabaho naman sa canteen ng  paaralan ng Dizon High School. Lima kaming magkakapatid, at ako ang bunso. Ang aming pamilya ay masasabi kong masaya. Dahil sa nag tutulungan kami at masayang na mumuhay.
(Tangkeko Family)

Ang natatandaan ko noong bata pa ako, pogi at malusog ako. “Toto” nga ang palayaw ko noon. Kahit maingay at makulit ako hindi naman ako pinapagalitan, pinapalo o sinasaktan ng mga magulang ko.

Madami ng nagbago sa akin mula ng sumapit ako sa edad na dapat na akong pumasok sa paaralan. Nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng San Juan. Noon ang alam ko lang gawin mula ng unang baitang hanggang ikatlong baitang ay maglaro lang ng maglaro. Pero noong ika-apat na baitang na ako natuto na akong makinig sa aking mga guro. Noong ika-limang baitang naman ako doon ako nagsimulang magseryoso sa aking pag-aaral. At pag dating ng ika-anim na baitang madami pa akong nakilala at naging kaibigan. Naging manlalaro pa nga ako ng sepak takraw.  Pag dating ng araw ng aming pagtatapos ng elementarya, masaya lahat lalo na ako, kahit konti lang ang salo-salo sa bahay namin masayang masaya na ako.

Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, yan ang paaralang pinapasukan ko ngayong high school. Noong First year ako madami akong kakulitang nagawa sa school. Lagi akong dinadala sa guidance office. Natatandaan ko pa noon yung pang aasar sa akin ng mga forth year sabi nila elementary pa daw ako dahil ang liit ko pa noon eh first year na ako.

Noong second year naman ako, dun na ako naging matured. Second year lang din ako nag ka crush. Itatago na lang natin sya sa pangalang Paula.

Noong third year na ako hindi ko inaasahang magiging classmate ko si Paula, second year pa lamang crush ko na talaga siya. Nag lakas loob akong manligaw sa kanya. Hindi naman nagtagal naging kami na din ni Paula. Noong una nahihiya ako kasi siya pa lang ang naging girlfriend ko na sineryoso ko sa lahat ng mga naging girlfriend ko.Sa sobrang bait niya, ipinakilala pa nga niya ako sa magulang niya kaya naman pinakilala ko din siya sa mga magulang ko. Pero pagkalipas ng ilang buwan nagsimula na kaming mag away araw araw kaya hindi na din nagtagal at naghiwalay na din kami.
(Paula)

Ngayong forth year na ako, dito ko na nakilala at nakita ang tunay na kaibigan. Pero madami pa din na mga kakulitang ginawa sa school. Ang madalas kong kasama sa mga kakulitan ay sina Demet, Sityar, Bordeos, Bautista at lalong lalo na si Ardie. Sila ang masasabi kong mga tunay na kaibigan. Walang iwanan, laging sama sama. Mabuti na lang talaga mababait ang mga teachers naming kahit na lagi kaming pasaway at meron kaming bagsak na grades binibigyan pa nila kami ng pag kakataon. 
 (Tunay na Kaibigan)

Nag daan ang pasko at bagong taon. Madami ang hinanda namin nung NewYear, masaya kaming nag salo-salo pag sapit ng alas dose. Kahit na wala ang panganay naming kapatid. Dahil sa may sarili na siyang pamilya. Pero masaya kaming nag bagong taon.

At syempre nag daan din ang JS prom. Masaya kong sinayaw ang mahal kong best friend na si Jham. Kahit mag best friend lang kami, sobrang sweet namin sa isa’t isa. Takot na akong manligaw sa kanya kasi sabi niya mas gusto nya daw na mag best friend na lang kami, para walang break.  Hindi ko naman maiwasan na ma in love sa kanya. Hindi ko rin maiwasang isipin sya lalo na ka pag ako’y nag iisa. Parang na sa kanya na lahat ng gusto ko sa isang babae. Kahit na iba ang ka date niya nung valentines, ok lang sakin mag best friend lang naman kami eh. Kahit na nag seselos na ako hindi ko na lang pinapa alam sa kanya. Lahat ng iyon nawawala agad tuwing mag kasama kami, kasi lagi nya akong nilalambing.Basta handa akong mag tiis hindi man siya maging akin.

Sa Ngayon, isa lang ang pinag tutuusan ko ng pansin, ang maka pag tapos ng pag aaral sa high school. Kahit sobrang dami ng project ginagawa ko para lang maka pasa. Na aawa din naman ako sa magulang at nag papa aral sakin. Sa Oras n maka pag tapos ako ng pag aaral susuklian ko sila ng ligaya. Mag hahanap ako ng mabuting trabaho para sa kanila. Hindi ko sila bibiguin sa mga pangarap nila sakin.


Yan ang talambuhay ko.

Talambuhay ni Demetrio Tayobong ( ang nagiisang DEMET)

Ako si Demetrio L. Tayobong pinanganak noong Enero 22 taong 1993
isinilang ako sa leyte dahil ang aking magulang ay pawang mga taga leyte nagkaroon
lang konting problema doon kaya kame ay narito ngayon 7 kaming magkakapatid
isang babae at anim na lalaki ang panganay kong kapatid ay nsa marikina
at nagpasyang doon na sya maninirahan kase nagkaroon sila ng alitan ng aking pinsan
ang pangalawa naman ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo kasabay na rin nito
ang pagtatrabaho nya sa chowking.
Ang pangatlo naman ay nagasawa na naiinis ako sa kanya dahil di nya inisip ang kahihinatnan
nya kaya ngayon payat na ang tanga.
Ako naman ang pangapat simpleng mag-aaral lang 4thyr dizonhighschool nagsisikap, nagtyatyaga
para mkagraduate lng.
Ang panglima ay si angelica tayobong na 4thyr highschool din ng dizon highschool sya ay
SSG President at may pangarap din sa buhay na nais din marating.
Ang pangamin ay highschool din sa sancristobal NHS.
Ang bunso ay elementary palang grade1 sya dapat ay grade2 na kaso may pagkaluko din
kaya di nakapasa nung isangtaon pilyo ang batang ito kaya ngayon palang dinidisiplina ko na.
Kasakuluyang nakatira kami ngayon sa Brgy. Sta. Elena S.P.C. Ang lahat ng ginagawa namin 
pagsisikap ay para saming magulang upang masuklian naman namin ang kanilang pahihirap 
upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral.
Ang pangalan ng ama ko ay Jaime Tayobong at ang ina ko ay si Critina tayobong
bilang lamang ang mga kamaganak dito dahil hindi naman talaga tubong luzon ang magulang ko
mga pinsan at tiyahin ko ay nasa leyte at ang iba ay nasa marikina.
sa marikina ay masaya kapag kapiling ko ang mga pinsan ko dun dahil bihira lang kami magkitakita.
Itong nakaraang bagongtaon ay doon ko pinagdiwang kasama ang kuya ko at mga tiyahin
masaya kaming magpipinsan.
At ibang-iba magdiwang ng bagong taon ang mga tambay doon na ngayon ay namimis ko na
dahil magkakasama kami sa mga kalokohan na ginagawa namin doon.
Balak kong doon na mag-aral ng kolehiyo sa tulong ng aking tiyahin.
At sa side naman ng ama ko karamihan ay nasa leyte sobrang miss ko na lahat ng kamag-anak ko doon pano ih bata pa ako ng umalis kami doon 10 taon ko nang di nakikita kaya matagal ko nang
binabalak ng magbakasyon doon.
Siguro tanda pa nila ako pero marami ng pinag-bago ngayon kaya magkakahiyaan pang magpansinan pagnagkitakita kami.
Pero sana wag naman ganon alam ko gusto na rin nila akong makita.


Magdako naman tayo sa aking mga iniidulo tatlo lang naman ang iniidulo sa buhay ko
unang-una ang tiyuhin ko dahil sa narating nya sa buhay at talagang mapapahanga ka
isa syang retired Philippine navy lahat ng iyon ay narating ng buong pagsisikap.
Kaya lahat ng pangaral nya ay inuunawa ko.
Ang pangalawa naman ay magulang ko syempre kung wala sila wala ako at kung di dahil sa kanila 
hindi ako nagsusulat ng talambuhay nagyon kaya nagpapasalmat ako ng buong puso sa mga magulang ko dahil sila ang inspirasyon ko sa pag-aaral ko.
Ang pangatlo naman ay sumunod sa panganay kong kapatid sya ay si Jeffrel Tayobong inidulo
dahil karapatdapat nung teenager palang sya ay masasabi mong mapapariwala lang ang buhay nya
dahil sa sobrang kalokohan nya noon lahat nasa kanya na adik, basagulero at iba pa
pero lahat ng yon nauwasan nya napagbago nya ang sarili nya hindi ko alam kung bakit.
Pero ngayon siya naman ang pinaka matino sa mag kakapatid.Siya ang nangangaral sa akin kapag may ginagawa akong kalokohan.
Sana magtuloytuloy na sya dahil iniidulo ko na sya.


Sa love life ko naman, pagdating sa ganyang usapan ay seryoso ako isa kung magmahal at di ako playboy.
May girlfriend si Arra Shane sa City High napasok, mabait sya at maganda ang boses.
mahal na mahal ko sya at mahal na mahal nya din ako at kung may tampuhan kame agad namang naayos.


Sa mga tropa ko naman ng Dizonhigh mahal ko rin lahat sila dahil madalas ko silang makasama.
Kahit na minsan ay may awayan, wala yon lilipas din yon dahil tropa ay tropa kaya kailangan naming magkasundo.

Isa lang ang matalik kong kaibigan ng Highschool.
Dahil simula nang ako'y pumasok ng Dizonhigh ay sya ang una kong tropa sya si Victor Tangkeko.
Maging sa section at sa upuan ay di kami nagkakahiwalay.
Gago talaga ang kalbo na yon payat pa, haha kahit ganun yun ay cute naman.
Mamimis ko lahat ng tropa ko dahil ngayon graduating na kami ay mahirap tanggapin pero kailangan.
Pero kahit ganun ay walang limutan.
Ang bilis ng araw no! datirati mga bata pa tayo naglalaro na parang mga walang problema,
lumipas ang mga araw di ko na namalayan mga teenager na pala tayo, magkakasama sa inuman,
gimikan at kalokohan.
Alam ko lilipas din ang isang araw isa-isa tayong mababawasan may magaasawa at bubuo ng pamilya may lalayo at hahanapin ang pangarap.
Pero nandito pa tayong lahat gisto ko lang sabihin guys salamat sa lahat hah, nakita at naranasan ko kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundong ito na kasama kayo.

ako yan nung JS prom 2011















Ang Talambuhay ni Aries Navarez Bordeos

(Ang Asa) 


"Nasa edad na kasalukuyan"
          


    Ako si Aries Navarez Bordeos na anak nina Gng. Marilou Navarez Bordeos at G. Arielito Boredeos ipinanganak ako sa aming bahay sa San Benito Alaminos Laguna. apat kameng magkakapatid na sina Arjay Bordeos, Adriel Bordeos, Mariel Bordeos. Ako ang pangalawa sa mga magkakapatid.

"Ang itsura ko ngayon"
         Mula ng ipinanganak at nagkaisip ako ay hindi ko makakalimutan nung akoy tatlong taong gulang ako po ay nakagat ng aso sa kanang kamay, at nag aalalanmg mabuti ang aking mga magulang. Hindi malaman ang gagawing ng aking mga magulang. Ako naman ay takot na tkot at iyak na iyak. Ang mga magulang ko ay takot din sa pangyayari, at dali dali akong dinala sa pagamutan at sa awa naman ng Diyos mabilis naman ang aking pag galing. Nang akoy nag aral elementarya sa Mababang Paaralan ng Centrl lunsod ng San Pablo. 




"Mga barkada ko at kaibigan"
          Noong ako po ay tumapak sa unang baitang ako po ay iniiwanan ng aking magulang sa eskwelahan. Ako po ay naiyak dahil ako'y natatakot sa aking guro. Pero habang tumatagal at meron na akong nakikilala at kaibigan ay hindi na ako natatakot o umiyak kapag akoy iniiwanan na sa eskwelahan. At lumipas ang maraming taon akoy naka abot sa ikaapat na baitang sa elementarya, habang nasa ikaapat na baitang ako ay nahilig ako sa paglalaro na holen. Inaabot na nga ako ng hapon sa paglalaro ng holen at puro sipon pa ako noon at madungis ang damit. Napapagalitan na nga ako ng aking mga magulang dahil sa hapon na ako umuwe at marungis ako. Minsan nga ay napapa away ako dahil lang sa holen. Hanggang tumuntong ako sa ikaanin na baitang ay ganon ang aking gawain. Hanggang sa akoy makatapos ng ikaanim na baitang sa mababang Paaralan ng Central Lunsod ng San Pablo. Lumipas ang bakasyon at magpapasukan na ulit. Nang makaapak na ako sa unang taon sa Mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Lunsod ng San Pablo ay nagkaroon ako ng pag iisip na ang holen ay pambata na lamang. Nang akoy unang beses na pumasok ako ay hiyang hiya sa aking mga kaklase. Dahil medyo nahirarapan ako sa pakikisama sa aking mga kaklase dahil ang aking mga katabi ay matatanda na, at medyo maitim pa ako noon hanggang ngayon, Kahit na ganoon mabait naman pala sila. At naging kaibigan ko na sila kahit ako ang pinaka bata sa aming tropa. Nang minsan ay napunta kame sa Lake akoy nahulog sa padulasan, ako ay nabalian ng kamay, iyak na ako nun sa sobrang sakit ng aking kamay, at mahigit isang linggo akong hindi nakapasok. Dahil sa nangyari pinagbawalan na akong pumunta ng Lake. Nung akoy umapak na sa ikalawang taon sa mataas na paaralan ng lunsod ng San Pablo ay natuto akong mag laro ng kompyuter at minsan sa kaadikan ko sa kompyuter ay hindi na ako napasok ng paaralan. Dahil doon akoy bumagsak sa ikalawang taon at umulit muli. Pero kahit na ganoon ay nagpursige parin akong makapag aral o makatapos. At sa aking pagulit ng ikalawang taon nakilala ko  na si Ardie Molina at sa kanya ako natutong gumawa ng takdang aralin at tumaas ang aking mga grado dahil sa pagtuturo niya sa akin, kaya napamahal ako kay Ardie at naging tropa ko siya sa bilyaran. Dahil minsan wala kaming pasok noon ay inaya niya akong gumala. Doon kame nagpalipas ng recess at doon narin kame gumawa ng takdang aralin. hanggang sa akoy makatapos na ikalawang Baitang. Pero sa masamang palad ay napasama ako sa isang samahan na tinatawag na Tau Gamma Phi. Dahil dito ay napasama ang aking pamumuhay, pero nang dahil na rin kay Ardie ay natapos ko ang ikalawang baitang. Umapak ako ng ikatlong taon. Nakilala ko ang aking mga kaibigan na sina Rhaf Ardie Molina, Demetrio Tayobong, Victor Tangkeko, Kevin Bautista, Ivan Loyd Sityar at dahil sa lagi kamin magkakasama ay nakaapak ako sa ikaapat na taon ng sekondarya. Naging Masaya ang buhay ko sa kanila at dahil rin sa kanila at sa tulong ng aking mga magulang ay makakatapos na ako. Pero bunong taon ko sa ikaapat ay hindi rin msyadong naging masaya dahil ilang beses akong napaaway dahil na rin sa aking bunsong kapatid, pati na nga rin ang aking kaibigan ay napadamay sa away dahil nais nila akong tulungan. Ngayon po akoy makakatapos na sa ikaapat na taon ng sekondarya ay hindi ko makakalimutan ang aking tropa at mga naging kaibigan. Dahil sa kanila ay naging masaya ang aking pagaaral sa loob ng sekondarya.
ako yan ng aming Js prom 2011





































 MARAMING SALAMAT!  +_- 

Thursday, February 24, 2011

Ang talambuhay ni john khevin bautista

"Nang nag J.S kami"



Ako si John Khevin A Bautista pinanganak noong marso 1 1994
ang aking ama ay si Florentino Bautista at ang aking Ina ay si
Marites bautista.
Ika-apat ako sa pitong magkakapatid, mapalad ako 
sapagkat nagagawa ng aking mga magulang ang kanya- kanyang
tungkulin sa bawat isa sa amin.
Maayos naman ang aming pamumuhay sa bagama't may kahirapan
ay pilit umaahon sa lugmok ng pagdarapa dala ng matinding unos
na sinasalubong namin.
ang panganay na si Loryjane lang ang d nakapag-aral sa kasalukuyan
dahil sa kagustuhang tumulong sa mga pangangailangan ng aming pamilya.
anim kaming nag-aaral dalwang kolehiyo dalwang high-school 
at dalwang elementarya.
May mga panahon ang buhay namin ay sinusubok ng pakalaran.
Hindi laging masaya hindi rin naman laging malungkot.
tumatak sa aking murang kaisipan na kapag may problema may nakalaang 
solusyon.
Ang pagtung-tong sa paaralang kinder upang lalong mapagyaman ang
aking kaalaman pinasok ako ng aking magulang sa paaralan sa day care learning center
sa aming lugar dahil ako ay nasasanay na makipaglaro sa kapwa bata hindi ako
nahirapan makipag kapwatao.
hanggang sa dumating ang araw ng aming pagtatapos.

Ito ang aking buhay kinder ang unang pag-aaral


"Ang aking mga kaibigan"


Ang pagtungtong sa elementarya pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa 
mababang paaralan ng San Marcos dito ko pa mas natutunan ang masmarami pang bagay sa buhay.
Sa anim na palalagi sa kabanatang ito ng aking buhay unti-unting umusbong sa aking kaalaman
at nabuksan ang aking kaisipan sa iba pang bagay na kailan ma'y di ko pa natutunan
at nalalaman sa wakas dumating na! Makakalaya na ako sa pagkatali sa buhay elementarya
lubos akong natutuwa parang sasabog ang aking damdamin sa sobrang saya ko
ika 10 ng abril 2007 ang araw ng aming pagtatapos.



"Ang aking mga naging kaklase"



Ito ang aking elementarya ang pangalawang pag-aaral


Sa mga pagsubok na aking pinagdaanan napatatag nito ang aking abilidad sa pakikipag
kapwa tao at pakikisalamuha sa mga bagong kaklase.
Dito ko nakilala ang aking mga kaibigan nung ako ay 1styr palang
na sina Kevin, John Paul at c John lee lagi kaming magkakasama kahit saan at sa mga 
kalokohang aming ginagawa sa loob ng paaralan.
At ng matapos namin ang 1styr hindi pa rin ako nagbago ng section 2-F pa rin ako
nung una nakakahiya magsalita dahil may mga bagong muka kang makikita
pero habang tumatagal nakikila ko ang mga bago sa loob ng aming room.
At nung naging 3rdyr naman ako ay 3-F pa rin ako doon ko nakilala
sina Ardie Molina, Demetrio, Tangkeko, at c Bordeos
dito ko unang naransan ang sobrang hiya dahil puro bago ang mga classmate ko
at ang mga teacher namin hanggang sa maging kaclose ko sina Ardie at Tangkeko
noong Feb-13-2009 aming kaunaunahan kong JS o Junior ang Senior Prom
dito ay naisayaw ko ang aking mga classmate at aking mga crush na sina 
crisna, jowin, at si bernadet.
JS prom 2011
At dumating na ang aming pinakahihitay na taon ang isang maging graduating student
sabi ng mga matatanda kailangan daw magingat dahil mga graduating student kami.
     At makalipas ang 7 bwan dumating uli ang aming titawag na last JS
noong Feb-11-2011 ito ang aming picture na magkakabarkada na sina
Bordeos, Ardie, Vic, Ivan, Demetrio, At ako.

Dito na po natatapos ang aking talambuhay simula pagkabata hanggang sa tumanda.




                                              salamat po :-))

Ang Talambuhay ni Rhaf Ardie Llaneza Molina


Ang Talambuhay ni Rhaf Ardie Llaneza Molina
 (Ang Bisyo,Tunay na Buhay na hango sa isang Bata)
   

Nang isang taon si 

    Si Rhaf Ardie Llaneza Molina ay ipinanganak noong Oktubre 29,1993. Siya ay panganay na anak nina G. Ferdinand Garcia Molina at Gng. Arlyn Morales Llaneze/Molina. Pinanganak siya sa Ospital ng Maynila at mayroong siyang dalawang babaeng kapatid na sina Coleen Mae Llaneza Molina at Ma. Clowee Llaneza Cayanan. Ang kanyang bunsong kapatid na si Clowee anak ng kanyang ina sa kanyang ikalawang asawa.
   

"Nang dalawang taon si Ardie"
'Graduation Day'
         Si Rhaf Ardie Molina o sa kanyang palayaw na si "Ardie" ay mayroong simpleng pamumuhay sa piling ng kanyang ina, dahil noong musmos pa lamang siya ay naghiwalay na ang kayang ama at ina dahil sa hirap ng buhay at hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagsasama. Lumaki si Ardie sa katamtamang pamumuhay ng isang tao, siya ay nasa poder ng kanyang ina at para magkaroon ng tahimik at matiwasay na pamumuhay ay nagtrabaho ang kanyang ina sa isang pamilihan na kung saan ay isang tindera ang kanyang ina. Ang kanyang ina ay halos araw-araw kumakayod may makain lamang ang mag-iina. Habang nasa trabaho ang kanyang ina ay nasa pangangalaga siya ng mga tiyahin niya sa poder ng kanyang ama. Dahil noong naghiwalay ang kanyang mga magulang ay ilang pader lamang ang pagitan ng tinitirhan ng mag-iina sa ikalawang distrito ng Lunsod ng Kalookan, at ng naglaon nakaipon ang kanyang ina at lumipat sa unang distrito ng Lunsod ng Kalookan sa Novaliches sa mga kamag anak ng kanyang lolo na si Dominador Llaneza. Hindi rin nag tagal ay napilitan ang kanyang ina na dalhin siya sa Lunsod ng San Pablo,Laguna sa kanyang mga tiyahin at mga tiyuhin, at doon siya nag aral ng unang baitang at ikalawang baitang sa mababang paaralan ng Elementarya ng Brgy. Del Remedio.


"Ang nag iisang anak ng henyo"
               Nang natapos ang ikalawang baitang niya mula sa pangangalaga ng kanyang mga tiyahin at mga tiyuhin ay muli siyang kinuha ng kanyang ina. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa mababang paaralan ng Elementarya ng Urduja sa Novaliches. Habang nasa elementarya siya ay doon nakita ng magulang niya ang kasipagan sa gawaing bahay at namumuhay silang mag-iina dahil sa tulong ng mga kamag-anak ng kanyang ina mula sa ibang bansa dahil sa pag-aalaga ng bahay ng may-aari nito sa Novaliches. Mula na rin sa mga tiyuhin at tiyahin niya. Hanggang sa nakatapos ng pag-aaral ng elementarya si Ardie. Doon na rin siya pumasok ng unang taon sa sokondarya sa mataas na paaralan ng Bagumbong sa Novaliches. Sa buong taon niya sa unang taon niya sa sekondarya ya napasama siya sa isang samahan ng gangster na kung tawagin ay Temple Street Trece o T.S.T. Dahil na rin sa mga udyok ng kasamahan sa grupo ay nagsimula ang pangit niyang buhay sa kabila ng magandang pag papaaral ng kanyang ina at kamag-anak sa kanya. Lumipas ang araw ay natuto na rin siyang manigarilyo,maginum.magsugal,makipagaway at hindi pag pasok ng paaralan. Sa loob ng kanyang paaralan ay nakilala niya ang una niyang naging kasintahan na si Rhodelie Ramos. Hindi rin nagtagal ang relasyon nila. 


"Sa kasalukuyang edad"
           Lumipas ang araw kakalabas pa lang ng skwelahan ni Ardie ng may biglang lumapit sa kanya na kapwa istudyante din at siya ay binugbog. Nakilala niya ang isang bumugbog sa kanya ito ay kaklase ng dati niyang kasintahan na si Rhodelie. Naisip ni Ardie na baka isinumbong siya ng dating kasintahan sa mga kaibigan nito at kaklase. Kinabukasan din ay bumalik si Ardie kasama amg mga ka grupo para bawian ang mga nambugbog sa kanya pero hindi na nya ito nakita. Lumipas pa ang araw nahilig sa babae si Ardie,maraming babae ang dumating sa buhay nito. Hanggang matapos ang unang taon ng pag-aaral sa sekondarya, ngunit nagkaroon siya ng isang bagsak sa isang guro. Nang si Ardie ay nag umpisang sumama sa masasamang kaway ng kabataan ay ibinalik siya sa kanyang ama para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngunit hindi niya ito naipagpatuloy dahil na rin naging mas mahirap ang buhay niya sa kanyang ama sa Kalookan. Dumating ang araw na nagtrabaho siya at nagmamaneho ng motorsiklo para sa kanyang pangangailangan. Sa buong taon niyang pag momutorsiklo ilan din babae ang nakilala at naging kasintahan niya. Nagkaroon din siya ng isang bukod tangi sa babaeng nakilala niya ay sobrang bait at ganda ito ay nagngangalang Maureen Simpauco. At dahil na rin sa mga taong nakakasalamuha niya ay napasama siya sa mga taong adik sa mariwana. Napariwara ang buhay nito pero nagpatuloy parin siya ng pag-aaral, pumasok siya noong nag bakasyon para ipasa ang bagsak niyang marka. 


          Nagpatuloy ang pag-aaral niya sa mataas na Paaralan ng Lunsod ng Kalookan, pero ilang linggo pa lamang siya pumapasok doon ay nagkaroon agad siya ng problema. At doon ay hindi na sana magpapatuloy ng pag-aaral si Ardie, biglang dumating ang ina niya mula sa Novaliches para kausapin na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Lunsod ng San Pablo sa kanyang dating tinitirhan sa Tiyahin at Tiyuhin. Naisip ni Ardie na gaganda ang buhay niya at malalayo sa mga taong sinamahan nya sa masamang gawain. Kinabukasan ding yon, ianayos ni Ardie at ng kanyang ina ang pagpapalipat ng paaralan mula sa Kalookan papuntang San Pablo. At simula ng araw na umalis siya ay nawalan na rin ng komyunikasyon si Ardie at si Maureen, hindi nga ito nakapagpaalam. Hunyo 30,2008 ng muling bumalik si Ardie ng San Pablo dala ang papel na pagpapalipat ng skwelahan niya. Dumating siya ng San Pablo na halos may isang buwan ng may pasok ang mga paaralan. Naghanap si Ardie at kasama niya ang kanyang tiyahin, napagpatuloy ni Ardie ang kanyang pag-aaral sa mataas na Paaralan ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon lunsod ng San Pablo. Nung araw din na naghanap ng skwelahan si Ardie ay nakapasok agad siya sa silid aralan. Nung araw ding iyon ay naisip niya ang mga kasamaan na nagawa niya na kaya niyang itama sa San Pablo. Siyay tinutulungan ng tiyuhin at tiyahin niyang sina G. Dominador Llaneza Jr. at Marites Santiago na kapatid ng kanyang ina. Hindi naging madale sa kanya ang pakikisama sa mga kaklase nito dahil bago pa lamang siya. Paminsan-minsan pag walang pasok ay nagbabakasyon siya sa Kalookan. Nang nagtagal ay dumame narin ang kanyang kaibigan sa pinapasukang paaralan. Nagkaroon siya ng banda na kung saan ay puro musika at pagtugtog ng gitara ang hilig. Nagkaroon ulit ng mga bagong kasintahan si Ardie dito sa San Pablo noong nasa ikalawang taon siya sa sekondarya. Pero sandali lang ang mga relasyon sa kanya. Ilang buwan lamang ay muling bumalik ang kanyang ina sa San Pablo hindi para sunduin siya kundi alagaan siya, kasama ang kanyang kapatid na si Clowee. Si Coleen ay nasa pangangalaga ng dating kumupkop kay Ardie. At patuloy ang pagpasok ni Ardie sa ikalawang taon sa sekondarya. Paminsan-minsan ay hindi nauwe si Ardie dahil ito ay natutulog sa kanyang kaklase na si John Paul Morelos kasama ang mga magulang nito. Minsan ay kasama si Ariel Villanueva na matalik din nilang kaibigan sa mga kalokohan ng dalawa. 



"Mga dating kaklase ni Ardie"
          Nasa ikalawang taon si Ardie sa sekondarya ay mahilig pa rin makipagaway, malakas ang loob nito, pero hindi naging hadlang kay Ardie na makatapak sa ikatlong taon ng sekondarya. Pero bumaba ang kanyang seksyon na dati ay nasa D na sa ikatlong taon ay napunta sa F. Naging maayos ang pag-aaral niya sa una at ikalawang grado, pagdating ng ikatlong grado ay napasama nanaman siya sa isang grupo an kung tawagin Scout Royale Brotherhood o S.R.B., at nahilig na maglaro ng bilyar kaya minsan ay hindi na pumapasok. Bumalik si Ardie sa kanyang gawain dati na sugarol,pakikipagaway,inom at nagtagal na ganito ay muli siyang tumikim ng mariwana at dahil na rin sa pang aabuso sa katawan ay hindi na nauwe na kanilang tirahan, lageng nasa barkada ito, pero minsan naman ay na kila Jonh Paul sa Bagong Pook. Magtatapos na ang taon niya sa ikatlong taon na nagdidilekado na hindi makaapak ng ikaapat na taon dahil sa hindi pag pasok. Pero nagtuloy ulit siya ng pasok para maipasa ang mga grado sa delikadong magbabagsak na guro sa kanya, at doon niya nakasama ang mga kaklase na lagi silang magkakasama,hanggang sa nahulog ang loob niya sa isang babaeng kaklase niya din. Pero nung nalaman ni Ardie na may gusto ito sa isa niyang kaklase ay itinigil nito ang hangarin na mapasagot iyon. Tinanggap niya na kahit na may gusto na ang babaeng minamahal niya ay pinilit niyang kalimutan. pero hindi niya magawa. Ang babaeng iyon ay nasa pangalang Lily Rose Ferer. Lumipas ang araw natapos ang ikatlong taon ni Ardie sa sekondarya na may ibinagsak na guro. Nanghihinayang si Ardie noon na bakit hindi niya pinagsikapan na makapasa dahil alam niyang mahihirapan siya sa pagdala ng bagsak sa ikaapat na taon sa sekondarya. Natapos ang bakasyon niya na mahirap, dahil nag trabaho siya kasama sina Jonh Paul at Khim sa paghahalungkat ng basura na mababa lamang ang kinita nila. Nang nalaman ni Ardie na naghiwalay na ang magkasintahan na sina Lily at Alysson ay nagumpisang manligaw si Ardie kay Lily gamit ang Telepono. Pero hindi rin natuloy ang panliligaw nito kay Lily ng sabihin nito na may kasintahan na ulit siya. Itinigil niya ang panliligaw na mahal niya parin si Lily, bakasyon noon pero malapit na magpasukan. Lumipas na ang araw pasukan na madaling nakapasok ng paaralan si Ardie dun parin sa Mataas na Paaralan ng Col. Lauro D.Dizon lunsod ng San Pablo. Muling nanligaw si Ardie kay Lily at lumipas ay sinagot din siya nito ng buwang Hulyo 12,2010. Unang grado at ikalawang grado ay naging maganda ang marka niya. Pero hindi pa tapos ang ikalawang grado ay bumalik si Ardie sa dati napabarkada muli siya at tuloy-tuloy ang pagkahilig sa bilyar at karaniwang magbenta ng gamit para matustusan lamang ang gawaing bisyo niya. Matatapos na ang taong 2010 nagkasakit si Ardie sa balat na tawagin ay bulutong ilang araw din bago mag bagong taon 2011, ay nasa bahay lamang siya. Siya lang mag iisa ang nandodoon kaya malungkot, kaya pumunta siya kila Sweet Morelos na kung tawagin niya ay Tita Sweet na nanay ni John Paul, at doon siya nag antay ng pagpasok ng bagong taon kasama ang ibang pamilya. Kinabukasan din ay umuwe agad ng bahay para makapagpahinga ng maayos, ilang araw pa lang ang lumilipas ay gumala agad siya at doon nakasama niya si Kernel sa kanilang bahay sa Kuligligan dahil tiga kuligligan din itong si Kernel, nagalit si Kernel sa iba naming tropa dahil sa pandidiri ng iba sa bulutong ni Ardie kaya siya ang nagbantay kay Ardie. Lumipas ang araw ay gumaling na si Ardie halos puno ng peklat ang buong katawan ni Ardie,mag pipyesta noon ng bayan sa Lunsod ng San Pablo Enero 15,2011 laging napunta ng bayan ang magkaibigan para mag inum kasama ang ibang tropa, na makalaunan ay may nakilala si Ardie na naging tropa din pero sinama sya nito sa paggamit ng bawal na mariwana, dahil sa paggamit nito sa bawal na mariwana ay nagkahiwalay sila Ardie at Lily. Pero pinatunayan ni Ardie kay lily na itigil niya ito at mag pupursige sa pag-aaral. Pebrero 12,2011 ay muling nagkabalikan ang magkasintahan, dahil sa pagbabago nito. Naging masaya si Ardie at hanggang ngayon ay hindi na muling gumait ng kung anumang bagay na ikakasama niya sa pag-aaral. Hindi naging hadlang kay Ardie ang bisyo para sa katuparan ng mga nais niyang tuparing pangarap. Si Ardie ngayon ay nag aaral para sa kanya at para din sa pangarap ng mga nag paaral sa kanya.