(Yan ako) |
Ako si Victor Paulo Inmacino Tangkeko, Pinanganak ako noong March 6, 1995, sa Malaking ospital ng Lungsod ng San Pablo. Ang mga magulang ko ay sina Jessie A. Tangkeko at Solita I. Tangkeko. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa kapitolyo ng San Pablo at ang aking ina ay nagtatrabaho naman sa canteen ng paaralan ng Dizon High School. Lima kaming magkakapatid, at ako ang bunso. Ang aming pamilya ay masasabi kong masaya. Dahil sa nag tutulungan kami at masayang na mumuhay.
(Tangkeko Family) |
Ang natatandaan ko noong bata pa ako, pogi at malusog ako. “Toto” nga ang palayaw ko noon. Kahit maingay at makulit ako hindi naman ako pinapagalitan, pinapalo o sinasaktan ng mga magulang ko.
Madami ng nagbago sa akin mula ng sumapit ako sa edad na dapat na akong pumasok sa paaralan. Nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng San Juan. Noon ang alam ko lang gawin mula ng unang baitang hanggang ikatlong baitang ay maglaro lang ng maglaro. Pero noong ika-apat na baitang na ako natuto na akong makinig sa aking mga guro. Noong ika-limang baitang naman ako doon ako nagsimulang magseryoso sa aking pag-aaral. At pag dating ng ika-anim na baitang madami pa akong nakilala at naging kaibigan. Naging manlalaro pa nga ako ng sepak takraw. Pag dating ng araw ng aming pagtatapos ng elementarya, masaya lahat lalo na ako, kahit konti lang ang salo-salo sa bahay namin masayang masaya na ako.
Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, yan ang paaralang pinapasukan ko ngayong high school. Noong First year ako madami akong kakulitang nagawa sa school. Lagi akong dinadala sa guidance office. Natatandaan ko pa noon yung pang aasar sa akin ng mga forth year sabi nila elementary pa daw ako dahil ang liit ko pa noon eh first year na ako.
Noong second year naman ako, dun na ako naging matured. Second year lang din ako nag ka crush. Itatago na lang natin sya sa pangalang Paula.
Noong third year na ako hindi ko inaasahang magiging classmate ko si Paula, second year pa lamang crush ko na talaga siya. Nag lakas loob akong manligaw sa kanya. Hindi naman nagtagal naging kami na din ni Paula. Noong una nahihiya ako kasi siya pa lang ang naging girlfriend ko na sineryoso ko sa lahat ng mga naging girlfriend ko.Sa sobrang bait niya, ipinakilala pa nga niya ako sa magulang niya kaya naman pinakilala ko din siya sa mga magulang ko. Pero pagkalipas ng ilang buwan nagsimula na kaming mag away araw araw kaya hindi na din nagtagal at naghiwalay na din kami.
Noong second year naman ako, dun na ako naging matured. Second year lang din ako nag ka crush. Itatago na lang natin sya sa pangalang Paula.
Noong third year na ako hindi ko inaasahang magiging classmate ko si Paula, second year pa lamang crush ko na talaga siya. Nag lakas loob akong manligaw sa kanya. Hindi naman nagtagal naging kami na din ni Paula. Noong una nahihiya ako kasi siya pa lang ang naging girlfriend ko na sineryoso ko sa lahat ng mga naging girlfriend ko.Sa sobrang bait niya, ipinakilala pa nga niya ako sa magulang niya kaya naman pinakilala ko din siya sa mga magulang ko. Pero pagkalipas ng ilang buwan nagsimula na kaming mag away araw araw kaya hindi na din nagtagal at naghiwalay na din kami.
Ngayong forth year na ako, dito ko na nakilala at nakita ang tunay na kaibigan. Pero madami pa din na mga kakulitang ginawa sa school. Ang madalas kong kasama sa mga kakulitan ay sina Demet, Sityar, Bordeos, Bautista at lalong lalo na si Ardie. Sila ang masasabi kong mga tunay na kaibigan. Walang iwanan, laging sama sama. Mabuti na lang talaga mababait ang mga teachers naming kahit na lagi kaming pasaway at meron kaming bagsak na grades binibigyan pa nila kami ng pag kakataon.
(Tunay na Kaibigan) |
Nag daan ang pasko at bagong taon. Madami ang hinanda namin nung NewYear, masaya kaming nag salo-salo pag sapit ng alas dose. Kahit na wala ang panganay naming kapatid. Dahil sa may sarili na siyang pamilya. Pero masaya kaming nag bagong taon.
At syempre nag daan din ang JS prom. Masaya kong sinayaw ang mahal kong best friend na si Jham. Kahit mag best friend lang kami, sobrang sweet namin sa isa’t isa. Takot na akong manligaw sa kanya kasi sabi niya mas gusto nya daw na mag best friend na lang kami, para walang break. Hindi ko naman maiwasan na ma in love sa kanya. Hindi ko rin maiwasang isipin sya lalo na ka pag ako’y nag iisa. Parang na sa kanya na lahat ng gusto ko sa isang babae. Kahit na iba ang ka date niya nung valentines, ok lang sakin mag best friend lang naman kami eh. Kahit na nag seselos na ako hindi ko na lang pinapa alam sa kanya. Lahat ng iyon nawawala agad tuwing mag kasama kami, kasi lagi nya akong nilalambing.Basta handa akong mag tiis hindi man siya maging akin.
Sa Ngayon, isa lang ang pinag tutuusan ko ng pansin, ang maka pag tapos ng pag aaral sa high school. Kahit sobrang dami ng project ginagawa ko para lang maka pasa. Na aawa din naman ako sa magulang at nag papa aral sakin. Sa Oras n maka pag tapos ako ng pag aaral susuklian ko sila ng ligaya. Mag hahanap ako ng mabuting trabaho para sa kanila. Hindi ko sila bibiguin sa mga pangarap nila sakin.
Yan ang talambuhay ko.