Ako si Demetrio L. Tayobong pinanganak noong Enero 22 taong 1993
isinilang ako sa leyte dahil ang aking magulang ay pawang mga taga leyte nagkaroon
lang konting problema doon kaya kame ay narito ngayon 7 kaming magkakapatid
isang babae at anim na lalaki ang panganay kong kapatid ay nsa marikina
at nagpasyang doon na sya maninirahan kase nagkaroon sila ng alitan ng aking pinsan
ang pangalawa naman ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo kasabay na rin nito
ang pagtatrabaho nya sa chowking.
Ang pangatlo naman ay nagasawa na naiinis ako sa kanya dahil di nya inisip ang kahihinatnan
nya kaya ngayon payat na ang tanga.
Ako naman ang pangapat simpleng mag-aaral lang 4thyr dizonhighschool nagsisikap, nagtyatyaga
para mkagraduate lng.
Ang panglima ay si angelica tayobong na 4thyr highschool din ng dizon highschool sya ay
SSG President at may pangarap din sa buhay na nais din marating.
Ang pangamin ay highschool din sa sancristobal NHS.
Ang bunso ay elementary palang grade1 sya dapat ay grade2 na kaso may pagkaluko din
kaya di nakapasa nung isangtaon pilyo ang batang ito kaya ngayon palang dinidisiplina ko na.
Kasakuluyang nakatira kami ngayon sa Brgy. Sta. Elena S.P.C. Ang lahat ng ginagawa namin
pagsisikap ay para saming magulang upang masuklian naman namin ang kanilang pahihirap
upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral.
Ang pangalan ng ama ko ay Jaime Tayobong at ang ina ko ay si Critina tayobong
bilang lamang ang mga kamaganak dito dahil hindi naman talaga tubong luzon ang magulang ko
mga pinsan at tiyahin ko ay nasa leyte at ang iba ay nasa marikina.
sa marikina ay masaya kapag kapiling ko ang mga pinsan ko dun dahil bihira lang kami magkitakita.
Itong nakaraang bagongtaon ay doon ko pinagdiwang kasama ang kuya ko at mga tiyahin
masaya kaming magpipinsan.
At ibang-iba magdiwang ng bagong taon ang mga tambay doon na ngayon ay namimis ko na
dahil magkakasama kami sa mga kalokohan na ginagawa namin doon.
Balak kong doon na mag-aral ng kolehiyo sa tulong ng aking tiyahin.
At sa side naman ng ama ko karamihan ay nasa leyte sobrang miss ko na lahat ng kamag-anak ko doon pano ih bata pa ako ng umalis kami doon 10 taon ko nang di nakikita kaya matagal ko nang
binabalak ng magbakasyon doon.
Siguro tanda pa nila ako pero marami ng pinag-bago ngayon kaya magkakahiyaan pang magpansinan pagnagkitakita kami.
Pero sana wag naman ganon alam ko gusto na rin nila akong makita.
Magdako naman tayo sa aking mga iniidulo tatlo lang naman ang iniidulo sa buhay ko
unang-una ang tiyuhin ko dahil sa narating nya sa buhay at talagang mapapahanga ka
isa syang retired Philippine navy lahat ng iyon ay narating ng buong pagsisikap.
Kaya lahat ng pangaral nya ay inuunawa ko.
Ang pangalawa naman ay magulang ko syempre kung wala sila wala ako at kung di dahil sa kanila
hindi ako nagsusulat ng talambuhay nagyon kaya nagpapasalmat ako ng buong puso sa mga magulang ko dahil sila ang inspirasyon ko sa pag-aaral ko.
Ang pangatlo naman ay sumunod sa panganay kong kapatid sya ay si Jeffrel Tayobong inidulo
dahil karapatdapat nung teenager palang sya ay masasabi mong mapapariwala lang ang buhay nya
dahil sa sobrang kalokohan nya noon lahat nasa kanya na adik, basagulero at iba pa
pero lahat ng yon nauwasan nya napagbago nya ang sarili nya hindi ko alam kung bakit.
Pero ngayon siya naman ang pinaka matino sa mag kakapatid.Siya ang nangangaral sa akin kapag may ginagawa akong kalokohan.
Sana magtuloytuloy na sya dahil iniidulo ko na sya.
Sa love life ko naman, pagdating sa ganyang usapan ay seryoso ako isa kung magmahal at di ako playboy.
May girlfriend si Arra Shane sa City High napasok, mabait sya at maganda ang boses.
mahal na mahal ko sya at mahal na mahal nya din ako at kung may tampuhan kame agad namang naayos.
Sa mga tropa ko naman ng Dizonhigh mahal ko rin lahat sila dahil madalas ko silang makasama.
Kahit na minsan ay may awayan, wala yon lilipas din yon dahil tropa ay tropa kaya kailangan naming magkasundo.
Isa lang ang matalik kong kaibigan ng Highschool.
Dahil simula nang ako'y pumasok ng Dizonhigh ay sya ang una kong tropa sya si Victor Tangkeko.
Maging sa section at sa upuan ay di kami nagkakahiwalay.
Gago talaga ang kalbo na yon payat pa, haha kahit ganun yun ay cute naman.
Mamimis ko lahat ng tropa ko dahil ngayon graduating na kami ay mahirap tanggapin pero kailangan.
Pero kahit ganun ay walang limutan.
Ang bilis ng araw no! datirati mga bata pa tayo naglalaro na parang mga walang problema,
lumipas ang mga araw di ko na namalayan mga teenager na pala tayo, magkakasama sa inuman,
gimikan at kalokohan.
Alam ko lilipas din ang isang araw isa-isa tayong mababawasan may magaasawa at bubuo ng pamilya may lalayo at hahanapin ang pangarap.
Pero nandito pa tayong lahat gisto ko lang sabihin guys salamat sa lahat hah, nakita at naranasan ko kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundong ito na kasama kayo.
ako yan nung JS prom 2011 |
No comments:
Post a Comment