Thursday, February 24, 2011

Ang Talambuhay ni Rhaf Ardie Llaneza Molina


Ang Talambuhay ni Rhaf Ardie Llaneza Molina
 (Ang Bisyo,Tunay na Buhay na hango sa isang Bata)
   

Nang isang taon si 

    Si Rhaf Ardie Llaneza Molina ay ipinanganak noong Oktubre 29,1993. Siya ay panganay na anak nina G. Ferdinand Garcia Molina at Gng. Arlyn Morales Llaneze/Molina. Pinanganak siya sa Ospital ng Maynila at mayroong siyang dalawang babaeng kapatid na sina Coleen Mae Llaneza Molina at Ma. Clowee Llaneza Cayanan. Ang kanyang bunsong kapatid na si Clowee anak ng kanyang ina sa kanyang ikalawang asawa.
   

"Nang dalawang taon si Ardie"
'Graduation Day'
         Si Rhaf Ardie Molina o sa kanyang palayaw na si "Ardie" ay mayroong simpleng pamumuhay sa piling ng kanyang ina, dahil noong musmos pa lamang siya ay naghiwalay na ang kayang ama at ina dahil sa hirap ng buhay at hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagsasama. Lumaki si Ardie sa katamtamang pamumuhay ng isang tao, siya ay nasa poder ng kanyang ina at para magkaroon ng tahimik at matiwasay na pamumuhay ay nagtrabaho ang kanyang ina sa isang pamilihan na kung saan ay isang tindera ang kanyang ina. Ang kanyang ina ay halos araw-araw kumakayod may makain lamang ang mag-iina. Habang nasa trabaho ang kanyang ina ay nasa pangangalaga siya ng mga tiyahin niya sa poder ng kanyang ama. Dahil noong naghiwalay ang kanyang mga magulang ay ilang pader lamang ang pagitan ng tinitirhan ng mag-iina sa ikalawang distrito ng Lunsod ng Kalookan, at ng naglaon nakaipon ang kanyang ina at lumipat sa unang distrito ng Lunsod ng Kalookan sa Novaliches sa mga kamag anak ng kanyang lolo na si Dominador Llaneza. Hindi rin nag tagal ay napilitan ang kanyang ina na dalhin siya sa Lunsod ng San Pablo,Laguna sa kanyang mga tiyahin at mga tiyuhin, at doon siya nag aral ng unang baitang at ikalawang baitang sa mababang paaralan ng Elementarya ng Brgy. Del Remedio.


"Ang nag iisang anak ng henyo"
               Nang natapos ang ikalawang baitang niya mula sa pangangalaga ng kanyang mga tiyahin at mga tiyuhin ay muli siyang kinuha ng kanyang ina. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa mababang paaralan ng Elementarya ng Urduja sa Novaliches. Habang nasa elementarya siya ay doon nakita ng magulang niya ang kasipagan sa gawaing bahay at namumuhay silang mag-iina dahil sa tulong ng mga kamag-anak ng kanyang ina mula sa ibang bansa dahil sa pag-aalaga ng bahay ng may-aari nito sa Novaliches. Mula na rin sa mga tiyuhin at tiyahin niya. Hanggang sa nakatapos ng pag-aaral ng elementarya si Ardie. Doon na rin siya pumasok ng unang taon sa sokondarya sa mataas na paaralan ng Bagumbong sa Novaliches. Sa buong taon niya sa unang taon niya sa sekondarya ya napasama siya sa isang samahan ng gangster na kung tawagin ay Temple Street Trece o T.S.T. Dahil na rin sa mga udyok ng kasamahan sa grupo ay nagsimula ang pangit niyang buhay sa kabila ng magandang pag papaaral ng kanyang ina at kamag-anak sa kanya. Lumipas ang araw ay natuto na rin siyang manigarilyo,maginum.magsugal,makipagaway at hindi pag pasok ng paaralan. Sa loob ng kanyang paaralan ay nakilala niya ang una niyang naging kasintahan na si Rhodelie Ramos. Hindi rin nagtagal ang relasyon nila. 


"Sa kasalukuyang edad"
           Lumipas ang araw kakalabas pa lang ng skwelahan ni Ardie ng may biglang lumapit sa kanya na kapwa istudyante din at siya ay binugbog. Nakilala niya ang isang bumugbog sa kanya ito ay kaklase ng dati niyang kasintahan na si Rhodelie. Naisip ni Ardie na baka isinumbong siya ng dating kasintahan sa mga kaibigan nito at kaklase. Kinabukasan din ay bumalik si Ardie kasama amg mga ka grupo para bawian ang mga nambugbog sa kanya pero hindi na nya ito nakita. Lumipas pa ang araw nahilig sa babae si Ardie,maraming babae ang dumating sa buhay nito. Hanggang matapos ang unang taon ng pag-aaral sa sekondarya, ngunit nagkaroon siya ng isang bagsak sa isang guro. Nang si Ardie ay nag umpisang sumama sa masasamang kaway ng kabataan ay ibinalik siya sa kanyang ama para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngunit hindi niya ito naipagpatuloy dahil na rin naging mas mahirap ang buhay niya sa kanyang ama sa Kalookan. Dumating ang araw na nagtrabaho siya at nagmamaneho ng motorsiklo para sa kanyang pangangailangan. Sa buong taon niyang pag momutorsiklo ilan din babae ang nakilala at naging kasintahan niya. Nagkaroon din siya ng isang bukod tangi sa babaeng nakilala niya ay sobrang bait at ganda ito ay nagngangalang Maureen Simpauco. At dahil na rin sa mga taong nakakasalamuha niya ay napasama siya sa mga taong adik sa mariwana. Napariwara ang buhay nito pero nagpatuloy parin siya ng pag-aaral, pumasok siya noong nag bakasyon para ipasa ang bagsak niyang marka. 


          Nagpatuloy ang pag-aaral niya sa mataas na Paaralan ng Lunsod ng Kalookan, pero ilang linggo pa lamang siya pumapasok doon ay nagkaroon agad siya ng problema. At doon ay hindi na sana magpapatuloy ng pag-aaral si Ardie, biglang dumating ang ina niya mula sa Novaliches para kausapin na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Lunsod ng San Pablo sa kanyang dating tinitirhan sa Tiyahin at Tiyuhin. Naisip ni Ardie na gaganda ang buhay niya at malalayo sa mga taong sinamahan nya sa masamang gawain. Kinabukasan ding yon, ianayos ni Ardie at ng kanyang ina ang pagpapalipat ng paaralan mula sa Kalookan papuntang San Pablo. At simula ng araw na umalis siya ay nawalan na rin ng komyunikasyon si Ardie at si Maureen, hindi nga ito nakapagpaalam. Hunyo 30,2008 ng muling bumalik si Ardie ng San Pablo dala ang papel na pagpapalipat ng skwelahan niya. Dumating siya ng San Pablo na halos may isang buwan ng may pasok ang mga paaralan. Naghanap si Ardie at kasama niya ang kanyang tiyahin, napagpatuloy ni Ardie ang kanyang pag-aaral sa mataas na Paaralan ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon lunsod ng San Pablo. Nung araw din na naghanap ng skwelahan si Ardie ay nakapasok agad siya sa silid aralan. Nung araw ding iyon ay naisip niya ang mga kasamaan na nagawa niya na kaya niyang itama sa San Pablo. Siyay tinutulungan ng tiyuhin at tiyahin niyang sina G. Dominador Llaneza Jr. at Marites Santiago na kapatid ng kanyang ina. Hindi naging madale sa kanya ang pakikisama sa mga kaklase nito dahil bago pa lamang siya. Paminsan-minsan pag walang pasok ay nagbabakasyon siya sa Kalookan. Nang nagtagal ay dumame narin ang kanyang kaibigan sa pinapasukang paaralan. Nagkaroon siya ng banda na kung saan ay puro musika at pagtugtog ng gitara ang hilig. Nagkaroon ulit ng mga bagong kasintahan si Ardie dito sa San Pablo noong nasa ikalawang taon siya sa sekondarya. Pero sandali lang ang mga relasyon sa kanya. Ilang buwan lamang ay muling bumalik ang kanyang ina sa San Pablo hindi para sunduin siya kundi alagaan siya, kasama ang kanyang kapatid na si Clowee. Si Coleen ay nasa pangangalaga ng dating kumupkop kay Ardie. At patuloy ang pagpasok ni Ardie sa ikalawang taon sa sekondarya. Paminsan-minsan ay hindi nauwe si Ardie dahil ito ay natutulog sa kanyang kaklase na si John Paul Morelos kasama ang mga magulang nito. Minsan ay kasama si Ariel Villanueva na matalik din nilang kaibigan sa mga kalokohan ng dalawa. 



"Mga dating kaklase ni Ardie"
          Nasa ikalawang taon si Ardie sa sekondarya ay mahilig pa rin makipagaway, malakas ang loob nito, pero hindi naging hadlang kay Ardie na makatapak sa ikatlong taon ng sekondarya. Pero bumaba ang kanyang seksyon na dati ay nasa D na sa ikatlong taon ay napunta sa F. Naging maayos ang pag-aaral niya sa una at ikalawang grado, pagdating ng ikatlong grado ay napasama nanaman siya sa isang grupo an kung tawagin Scout Royale Brotherhood o S.R.B., at nahilig na maglaro ng bilyar kaya minsan ay hindi na pumapasok. Bumalik si Ardie sa kanyang gawain dati na sugarol,pakikipagaway,inom at nagtagal na ganito ay muli siyang tumikim ng mariwana at dahil na rin sa pang aabuso sa katawan ay hindi na nauwe na kanilang tirahan, lageng nasa barkada ito, pero minsan naman ay na kila Jonh Paul sa Bagong Pook. Magtatapos na ang taon niya sa ikatlong taon na nagdidilekado na hindi makaapak ng ikaapat na taon dahil sa hindi pag pasok. Pero nagtuloy ulit siya ng pasok para maipasa ang mga grado sa delikadong magbabagsak na guro sa kanya, at doon niya nakasama ang mga kaklase na lagi silang magkakasama,hanggang sa nahulog ang loob niya sa isang babaeng kaklase niya din. Pero nung nalaman ni Ardie na may gusto ito sa isa niyang kaklase ay itinigil nito ang hangarin na mapasagot iyon. Tinanggap niya na kahit na may gusto na ang babaeng minamahal niya ay pinilit niyang kalimutan. pero hindi niya magawa. Ang babaeng iyon ay nasa pangalang Lily Rose Ferer. Lumipas ang araw natapos ang ikatlong taon ni Ardie sa sekondarya na may ibinagsak na guro. Nanghihinayang si Ardie noon na bakit hindi niya pinagsikapan na makapasa dahil alam niyang mahihirapan siya sa pagdala ng bagsak sa ikaapat na taon sa sekondarya. Natapos ang bakasyon niya na mahirap, dahil nag trabaho siya kasama sina Jonh Paul at Khim sa paghahalungkat ng basura na mababa lamang ang kinita nila. Nang nalaman ni Ardie na naghiwalay na ang magkasintahan na sina Lily at Alysson ay nagumpisang manligaw si Ardie kay Lily gamit ang Telepono. Pero hindi rin natuloy ang panliligaw nito kay Lily ng sabihin nito na may kasintahan na ulit siya. Itinigil niya ang panliligaw na mahal niya parin si Lily, bakasyon noon pero malapit na magpasukan. Lumipas na ang araw pasukan na madaling nakapasok ng paaralan si Ardie dun parin sa Mataas na Paaralan ng Col. Lauro D.Dizon lunsod ng San Pablo. Muling nanligaw si Ardie kay Lily at lumipas ay sinagot din siya nito ng buwang Hulyo 12,2010. Unang grado at ikalawang grado ay naging maganda ang marka niya. Pero hindi pa tapos ang ikalawang grado ay bumalik si Ardie sa dati napabarkada muli siya at tuloy-tuloy ang pagkahilig sa bilyar at karaniwang magbenta ng gamit para matustusan lamang ang gawaing bisyo niya. Matatapos na ang taong 2010 nagkasakit si Ardie sa balat na tawagin ay bulutong ilang araw din bago mag bagong taon 2011, ay nasa bahay lamang siya. Siya lang mag iisa ang nandodoon kaya malungkot, kaya pumunta siya kila Sweet Morelos na kung tawagin niya ay Tita Sweet na nanay ni John Paul, at doon siya nag antay ng pagpasok ng bagong taon kasama ang ibang pamilya. Kinabukasan din ay umuwe agad ng bahay para makapagpahinga ng maayos, ilang araw pa lang ang lumilipas ay gumala agad siya at doon nakasama niya si Kernel sa kanilang bahay sa Kuligligan dahil tiga kuligligan din itong si Kernel, nagalit si Kernel sa iba naming tropa dahil sa pandidiri ng iba sa bulutong ni Ardie kaya siya ang nagbantay kay Ardie. Lumipas ang araw ay gumaling na si Ardie halos puno ng peklat ang buong katawan ni Ardie,mag pipyesta noon ng bayan sa Lunsod ng San Pablo Enero 15,2011 laging napunta ng bayan ang magkaibigan para mag inum kasama ang ibang tropa, na makalaunan ay may nakilala si Ardie na naging tropa din pero sinama sya nito sa paggamit ng bawal na mariwana, dahil sa paggamit nito sa bawal na mariwana ay nagkahiwalay sila Ardie at Lily. Pero pinatunayan ni Ardie kay lily na itigil niya ito at mag pupursige sa pag-aaral. Pebrero 12,2011 ay muling nagkabalikan ang magkasintahan, dahil sa pagbabago nito. Naging masaya si Ardie at hanggang ngayon ay hindi na muling gumait ng kung anumang bagay na ikakasama niya sa pag-aaral. Hindi naging hadlang kay Ardie ang bisyo para sa katuparan ng mga nais niyang tuparing pangarap. Si Ardie ngayon ay nag aaral para sa kanya at para din sa pangarap ng mga nag paaral sa kanya.

No comments:

Post a Comment