Friday, February 25, 2011

Ang Talambuhay ni Aries Navarez Bordeos

(Ang Asa) 


"Nasa edad na kasalukuyan"
          


    Ako si Aries Navarez Bordeos na anak nina Gng. Marilou Navarez Bordeos at G. Arielito Boredeos ipinanganak ako sa aming bahay sa San Benito Alaminos Laguna. apat kameng magkakapatid na sina Arjay Bordeos, Adriel Bordeos, Mariel Bordeos. Ako ang pangalawa sa mga magkakapatid.

"Ang itsura ko ngayon"
         Mula ng ipinanganak at nagkaisip ako ay hindi ko makakalimutan nung akoy tatlong taong gulang ako po ay nakagat ng aso sa kanang kamay, at nag aalalanmg mabuti ang aking mga magulang. Hindi malaman ang gagawing ng aking mga magulang. Ako naman ay takot na tkot at iyak na iyak. Ang mga magulang ko ay takot din sa pangyayari, at dali dali akong dinala sa pagamutan at sa awa naman ng Diyos mabilis naman ang aking pag galing. Nang akoy nag aral elementarya sa Mababang Paaralan ng Centrl lunsod ng San Pablo. 




"Mga barkada ko at kaibigan"
          Noong ako po ay tumapak sa unang baitang ako po ay iniiwanan ng aking magulang sa eskwelahan. Ako po ay naiyak dahil ako'y natatakot sa aking guro. Pero habang tumatagal at meron na akong nakikilala at kaibigan ay hindi na ako natatakot o umiyak kapag akoy iniiwanan na sa eskwelahan. At lumipas ang maraming taon akoy naka abot sa ikaapat na baitang sa elementarya, habang nasa ikaapat na baitang ako ay nahilig ako sa paglalaro na holen. Inaabot na nga ako ng hapon sa paglalaro ng holen at puro sipon pa ako noon at madungis ang damit. Napapagalitan na nga ako ng aking mga magulang dahil sa hapon na ako umuwe at marungis ako. Minsan nga ay napapa away ako dahil lang sa holen. Hanggang tumuntong ako sa ikaanin na baitang ay ganon ang aking gawain. Hanggang sa akoy makatapos ng ikaanim na baitang sa mababang Paaralan ng Central Lunsod ng San Pablo. Lumipas ang bakasyon at magpapasukan na ulit. Nang makaapak na ako sa unang taon sa Mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Lunsod ng San Pablo ay nagkaroon ako ng pag iisip na ang holen ay pambata na lamang. Nang akoy unang beses na pumasok ako ay hiyang hiya sa aking mga kaklase. Dahil medyo nahirarapan ako sa pakikisama sa aking mga kaklase dahil ang aking mga katabi ay matatanda na, at medyo maitim pa ako noon hanggang ngayon, Kahit na ganoon mabait naman pala sila. At naging kaibigan ko na sila kahit ako ang pinaka bata sa aming tropa. Nang minsan ay napunta kame sa Lake akoy nahulog sa padulasan, ako ay nabalian ng kamay, iyak na ako nun sa sobrang sakit ng aking kamay, at mahigit isang linggo akong hindi nakapasok. Dahil sa nangyari pinagbawalan na akong pumunta ng Lake. Nung akoy umapak na sa ikalawang taon sa mataas na paaralan ng lunsod ng San Pablo ay natuto akong mag laro ng kompyuter at minsan sa kaadikan ko sa kompyuter ay hindi na ako napasok ng paaralan. Dahil doon akoy bumagsak sa ikalawang taon at umulit muli. Pero kahit na ganoon ay nagpursige parin akong makapag aral o makatapos. At sa aking pagulit ng ikalawang taon nakilala ko  na si Ardie Molina at sa kanya ako natutong gumawa ng takdang aralin at tumaas ang aking mga grado dahil sa pagtuturo niya sa akin, kaya napamahal ako kay Ardie at naging tropa ko siya sa bilyaran. Dahil minsan wala kaming pasok noon ay inaya niya akong gumala. Doon kame nagpalipas ng recess at doon narin kame gumawa ng takdang aralin. hanggang sa akoy makatapos na ikalawang Baitang. Pero sa masamang palad ay napasama ako sa isang samahan na tinatawag na Tau Gamma Phi. Dahil dito ay napasama ang aking pamumuhay, pero nang dahil na rin kay Ardie ay natapos ko ang ikalawang baitang. Umapak ako ng ikatlong taon. Nakilala ko ang aking mga kaibigan na sina Rhaf Ardie Molina, Demetrio Tayobong, Victor Tangkeko, Kevin Bautista, Ivan Loyd Sityar at dahil sa lagi kamin magkakasama ay nakaapak ako sa ikaapat na taon ng sekondarya. Naging Masaya ang buhay ko sa kanila at dahil rin sa kanila at sa tulong ng aking mga magulang ay makakatapos na ako. Pero bunong taon ko sa ikaapat ay hindi rin msyadong naging masaya dahil ilang beses akong napaaway dahil na rin sa aking bunsong kapatid, pati na nga rin ang aking kaibigan ay napadamay sa away dahil nais nila akong tulungan. Ngayon po akoy makakatapos na sa ikaapat na taon ng sekondarya ay hindi ko makakalimutan ang aking tropa at mga naging kaibigan. Dahil sa kanila ay naging masaya ang aking pagaaral sa loob ng sekondarya.
ako yan ng aming Js prom 2011





































 MARAMING SALAMAT!  +_- 

No comments:

Post a Comment